Kwento ng lasing

Kwento ng aking professor.

Pagkatapos ng malupet na inuman sessions, syempre lasing yung kaibigan niya. Nung sumunod na araw, nagulat yung kaibigan niya nung makita niyang may bakal na nakadikit sa balat niya sa braso. Sa sobrang kabasagan di niya namalayan yun hanggang sa magising lang siya. Wala daw talaga siyang matandaan, kung ano man nangyari sakanya kagabi. Nung nakausap niya girlfriend niya, kinwento naman sakanya.

Nung lasing na daw siya, tinry niya buksan yung electric fan, eh nung ayaw daw bumukas nainis siya, so ginulpi niya. Ano nga naman gagawin ng lasing sa ayaw mag-cooperate diba? haha!

Ay may mas malupet pa pala siyang kinwento.

Eto namang isa niyang kaibigan nabasag din sa inuman. Pagkagising niya, nagulat siya nasa tulay na siya, e nagiinuman daw sila sa bar nun. Mas masama dun? May pantalon siya pero nawawala brief niya. hahaha! Ano sa tingin mo nangyari?

0 comments:

Post a Comment